NAARESTO na ang itinuturong mastermind sa pagkidnap ng American vlogger na si Elliot Eastman.
Nitong Martes, Enero 7, 2025 sa katubigan sa pagitan ng Zamboanga City at Basilan Strait nakita ang mastermind.
Sa ulat ng Zamboanga Peninsula Police, sinusubukan ng mastermind na makatakas papuntang Basilan nang ito ay maaresto sa isang passenger vessel.
Samantala, sa pamamagitan ng mga isinagawang imbestigasyon, ibinahagi ng mga awtoridad na kumpirmadong nasawi na ang American vlogger noong Disyembre 7, 2024 o ang araw nang siya ay dinukot ng mga suspek.