Umano’y middleman sa pagpaslang kay Percy Lapid, namatay na

Umano’y middleman sa pagpaslang kay Percy Lapid, namatay na

PATAY na ang isa sa mga hinihinalaang middleman sa pagpatay sa brodkaster na si Percy Lapid.

Ito ang mismong inihayag ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla sa SMNI News Huwebes ng gabi.

Ayon kay Remulla, ipinag-utos na niya ang autopsy para sa bangkay para malaman ang dahilan ng ikinamatay nito.

Sa kasalukuyan, nagkakaroon ng ugnayan si Remulla kay Department of Interior and Local Government (DILG) Sec. Benhur Abalos para sa pagbibigay ng proteksyon sa mga taong kailangan nito na may kaugnayan sa kaso.

Umaasa si Abalos na hindi masasayang ang pinagpaguran ng pulisya kasunod ng pagkakamatay ng middleman.

Matatandaan na nitong Martes ng umaga ay sumuko na ang suspek na si Joel Escorial at umaming mayroon siyang tatlong kasabwat sa pagpatay kay Lapid.

Inihayag nito na ang utos na patayin si Lapid ay galing daw sa loob ng Bilibid kapalit ng P550,000.

Follow SMNI NEWS in Twitter