NAGSASAGAWA ng imbestigasyon ang National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) sa umano’y security breach at hacking sa kanilang Facebook page.
Sa isang pahayag, sinabi ng NDRRMC na na-hacked ang kanilang Facebook page bandang alas-3 ng hapon nitong Martes, Oktubre 11, 2022.
Agad aniya silang gumawa ng hakbang upang ma-retrieve ang kanilang account at maimbestigahan ang insidente.
Humihingi rin aniya sila ng paumanhin para sa anumang abala o kalituhan na maaaring idulot ng insidente sa publiko at mga stakeholder.
Tiniyak ng NDRRMC na gumagawa na sila ng hakbang upang maiwasang maulit ang pag-hacked sa kanilang page.