Umano’y pagiging ‘spy’ ni Alice Guo, dapat imbestigahan—DOJ

Umano’y pagiging ‘spy’ ni Alice Guo, dapat imbestigahan—DOJ

DAPAT imbestigahan ang sinabi ng isang Chinese tycoon na nakakulong sa Thailand hinggil sa pagiging ‘spy’ ni Alice Guo laban sa Pilipinas.

Ayon sa Department of Justice (DOJ), isang seryosong lead ito kung maituring na dapat tutukan.

Nauna nang itinanggi ni Guo na isa siyang Chinese spy kasunod ang documentary na inilabas ng House Quad Committee kamakailan.

Mula sa naturang documentary, sinabi ni She Zhijiang, isang lalaking Chinese tycoon na nakakulong sa Thailand na isa ngang spy si Guo Hua Ping, ang pinaniniwalaang Chinese name ni Alice.

Noong 2022 pa ayon sa Chinese tycoon ay nanghingi si Guo ng pondo para sa kaniyang kampanya subalit hindi aniya ito binigyan.

Si Alice rin ayon sa tycoon ay anak ni Lin Wen-Yi at ipinaganak at lumaki ito sa Fujian.

Dahil dito ay ipinangako ng dating Bamban, Tarlac mayor na kakasuhan niya ang Chinese tycoon dahil sa mga pinagsasabi nito laban sa kaniya.

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble