Umano’y pamemeke ng accomplishment ng ilang pulis para sa promosyon, aalamin ng PNP

Umano’y pamemeke ng accomplishment ng ilang pulis para sa promosyon, aalamin ng PNP

SISILIPIN ng Philippine National Police (PNP) ang umano’y pamemeke ng ilang pulis ng kanilang accomplishment upang magbigay ng promosyon sa puwesto.

Ito ay kasunod ng pagsang-ayon ni Surigao del Norte 2nd district Representative Robert Ace Barbers sa pahayag ng National Police Commission (NAPOLCOM) na depektibo ang sistema ng promosyon at performance rating ng Anti-Drug Police Operatives.

Ayon kay PNP chief Police General Benjamin Acorda, Jr. na regular ang ginagawa nilang pagre-review sa mga pulis na mabibigyan ng promosyon.

Nais aniya nilang matiyak na mga kwalipikadong tauhan at malinis ang integridad ang maiuupo sa puwesto.

Sa ngayon, nakikipag-ugnayan na ang PNP sa NAPOLCOM upang mabigyan ng solusyon ang nasabing usapin.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter