NAKAPAGTALA ng umano’y vote-buying ang Cagayan Police Provincial Office (CPPO) sa tatlong bayan sa probinsiya kasabay ng Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) 2023.
Ayon kay Police Captain Shiela Foronda, information officer ng CPPO, ang tatlong bayan ay kinabibilangan ng Solana, Pamplona, at lungsod ng Tuguegarao.
Aniya, sa bayan ng Solana ay P50 ang nakadikit sa polyetos na binibigay ng mga tumatakbong kandidato sa lugar; P1,000 naman sa bayan ng Pamplona, at P500 sa Tuguegarao City.
Sinabi ni PCapt. Foronda, nakatanggap sila ng sumbong mula mismo sa mga nakatanggap ng pera mula sa mga kandidato.
Sa ngayon, sinabi ni Foronda na nai-refer na sa Commission on Elections (COMELEC) ang mga alleged vote-buying incident.