Umuusbong na Halal Tourism ng Pilipinas, kinilala sa ikalawang pagkakataon

Umuusbong na Halal Tourism ng Pilipinas, kinilala sa ikalawang pagkakataon

SA ikalawang pagkakataon, kinilala ng Mastercard-Crescentrating Global Muslim Travel Index (GMTI) 2024 ang Halal Tourism ng Pilipinas.

Isinagawa ang pagkilala sa Pilipinas bilang emerging Muslim-Friendly Non-organization of Islamic Cooperation (OIC) sa Singapore noong Mayo a-trenta.

Ang Global Muslim Travel Index ay isang taunang report na tumutukoy sa mga destination ng Muslim travel market.

Matatandaan na noong 2023 ay kinilala din ng GMTI ang Pilipinas dahil sa pag-usbong ng turismo para sa mga Muslim.

Batay sa ulat ng mastercard at crescentrating, posibleng tataas mula sa 2.12 billion ngayong taon ang Muslim population.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter