INIREKOMENDA ni United Nation Rapporteur Irene Khan na buwagin na ang National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC).
Aniya, makatutulong umano ang pagbuwag ng NTF-ELCAC sa problemang may kaugnayan sa red-tagging.
Maisasamoderno rin aniya sa pamamagitan nito ang mga peace-building approach ng Marcos administration.
Ngunit kung mapapansin, ang NTF-ELCAC na binuo sa ilalim ng administrasyon ni dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang naging susi para mag-surrender ang libu-libong mga rebelde.
Kamakailan din ay sinabi ni Vice President Sara Duterte na mas magandang estratehiya ang ginagawa ng pamahalaan sa ilalim nito at mas mainam na ito ay ipagpatuloy tungo sa kapayapaan.
Para naman kay dating Chief Presidential Legal Counsel Atty. Salvador Panelo, mas nailalapit ang serbisyo ng pamahalaan hanggang sa malalayong lugar sa pamamagitan ng NTF-ELCAC.