Unang araw ng libreng drive thru RT-PCR test sa Quirino Grandstand, dinagsa

MAAGA pa lang ay pinilihan na ng mga tao ang Quirino Grand Stand para sa unang araw ng paglunsad ng libreng drive thru ng RT-PCR test ng Manila City Government.

Sa isang panayam kay Manila City Mayor Isko Moreno Domagoso, mas maganda na ang sistema ngayon dahil hindi na sila pipila ng mahaba.

Limitado lamang sa isandaan katao kada araw ang sasailalim sa RT-PCR test sa Quirino Grand Stand sa Lungsod ng Maynila  na pangunahan ng Manila Health Department.

Kinakailangan mag-schedule ng appointment sa Manila Emergency Operation Center ng Manila Health Department.

Ayon din kay Mayor Isko Moreno, gagawin nila ang lahat ng pagsisikap sa abot na makakaya ng budget ng pamahalaan ng lungsod para makapagpatuloy itong libreng swab test.

Nilinaw din ni Mayor Isko, wala na ring serology test sa Maynila kundi ina’upgrade na lamang ito ang serology machine para sa iba’t ibang uri ng mga sakit.

Samantala umabot na sa 72,000 na mga residente sa Maynila ang magparehistro na para sa libreng COVID-19 vaccines na iniaalok ng lokal ng pamahalaan ng Manila.

Tiniyak din ni Mayor Isko Moreno na bagong matapos ang buwan nito Enero ay may storage facility na ng bakuna ang lungsod ng Maynila.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published.