SINABAYAN ng kilos-protesta ng grupong Manibela ang unang araw ng striktong panghuhuli ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) sa mga tradisyunal jeepney na bigong makapasok sa franchise consolidation para sa PUVMP sa tanggapan ng ahensya, ngayong araw.
Una na kasing sinabi ng LTFRB na awtomatikong kolorum partikular na ang 1,000 PUJ na hindi tumugon sa ibinigay na show cause order ng ahensiya.