PUMASOK na sa Philippine Area of Responsibility (PAR) ang tropical depression o bagyo na nasa Timog-Silangan ng Hinatuan, Surigao del Sur.
Ayon sa Pagasa, alas 8 kaninang umaga nang pumasok ng PAR ang bagyo na pinangalanang “Auring”.
Sa 11AM severe bulletin ng Pagasa, huling namataan ang sentro ng bagyo sa layong 900 kilometro silangan timog-silangan ng Hinatuan, Surigao del Sur.
Taglay nito ang lakas ng hanging aabot sa 45 kilometro kada oras malapit sa gitna at pabugsong umaabot sa 55 kilometro kada oras.
Kumikilos ang bagyo pakanluran timog-kanluran sa bilis na 20 kilometro kada oras.
Sa forecast ng Pagasa, magla-landfall ang bagyo sa Caraga sa Sabado ng gabi o linggo ng umaga bilang tropical storm.
Ang Bagyong Auring ang kauna-unahang bagyo ngayong 2021.