Unang batch ng bivalent COVID-19 vaccines, inaasahang darating ngayong Marso sa Pilipinas

Unang batch ng bivalent COVID-19 vaccines, inaasahang darating ngayong Marso sa Pilipinas

INAASAHANG darating ang unang batch ng bivalent COVID-19 vaccines sa Pilipinas sa Marso ngayong taon, ayon sa Department of Health (DOH).

Sa pahayag ni DOH Officer in Charge Maria Rosario Vergeire, manggagaling ang mga bakuna mula sa pasilidad ng COVAX, isang international vaccine-sharing scheme na suportado ng United Nations.

Sa pinakahuling ulat, nasa mahigit 21.3 milyon na ang nakatanggap ng kanilang unang boosters habang 3.8 milyon ang nakakuha ng kanilang pangalawang boosters sa buong Pilipinas.

Samantala, nasa 9,952 na ang aktibong kaso ng COVID-19 sa bansa.

Follow SMNI NEWS in Twitter