NATANGGAP na ng South Africa ang unang batch ng COVID-19 vaccine.
Isang milyong dosis ng bakuna ng AstraZeneca ang inaasahang madi-deliver sa South Africa sa loob ng dalawang linggo.
Ayon sa pangulo ng South Africa na si Cyril Ramaphosa, ang bakuna na darating sa bansa ay isang “major milestone” sa laban nito sa pandemya.
Dagdag pa ng pangulo, ang unang batch na ito ay para sa 1.2 milyong healthcare workers.
Inaasahan namang maging epektibo rin ang bakuna sa bagong variant ng COVID na mula sa kanilang bansa na tinawag na 501.V2.
Samantala, sa datos ng John Hopkins University, ang South Africa ang pinakanaapektuhan ng pandemya sa kabuuan ng African continent kung saan nasa 1,453,761 na ang kaso dito habang 44,164 na ang nasawi.