Unang batch ng learning devices, ipinamahagi ng Lungsod ng Maynila

Unang batch ng learning devices, ipinamahagi ng Lungsod ng Maynila

IPINAMAHAGI na ng pamahalaang Lungsod ng Maynila kahapon sa pangunguna ni Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso ang unang batch ng learning devices sa Aurora Quezon Elementary School.

Kabilang dito ang tablet devices para sa mga mag-aaral at laptops na magagamit naman ng mga guro.

Ang learning devices ay may kasamang pocket wifi para sa mga guro at sim cards na may 10 gigabyte monthly bandwidth para sa mga estudyante.

Layunin ng pamahalaang lungsod na matiyak na magpapatuloy ang pag-aaral ng mga batang Maynila sa gitna ng pandemya kung kaya’t naglaan ito ng mahigit sa P1-B pondo para sa pamamahagi ng learning devices.

Inaasahan namang tuloy-tuloy na maipamimigay ang mga equipment sa iba’t ibang paaralan sa lungsod simula ngayong linggo hanggang sa pagsapit ng pasukan sa ika-5 ng Oktubre.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published.