Unang batch ng mga OFW mula Lebanon, inaasahan sa Agosto 17

Unang batch ng mga OFW mula Lebanon, inaasahan sa Agosto 17

INAASAHAN ang pag-uwi sa bansa ng unang batch ng mga overseas Filipino worker (OFW) mula Lebanon sa Agosto 17, araw ng Lunes.

Ayon sa DFA lulan ng chartered flight ang nasa 400 mga OFW mula Lebanon ang makauuwi ng  Pilipinas.

Sa isang pahayag mariin namang sinabi ni DFA Migrant Workers Affairs Undersecretary Sarah Lou Y. Arriola na walang Pilipinong maiiwan sa nasabing bansa.

Aniya, gagawin nila ang lahat ng pagsisikap para agarang mapauwi ang libo-libong mga Pilipino sa Lebanon.

Matatandaan ilang araw makalipas nang mangyari ang pagsabog sa Beirut, Lebanon ay patuloy ang ginagawang protesta ng mga tao doon para sa pagbibitiw ng mga government officials sa naturang bansa.

Bunga nito, lalong nababahala ang mga Pilipino sa Lebanon dahil sa sunod-sunod na krisis ang kinahaharap sa bansa hindi lamang ang mga OFW sa Lebanon ang naaapektuhan kundi pati na rin ang mga mahal sa buhay na nasa Pilipinas.

Repatriation para sa 1,062 na mga OFW mula Qatar

Samantala inanunyo na rin ng Department of Labor and Employment (DOLE) na simula ngayong araw ang pagpapauwi ng Philippine Government sa nasa 1,062 na mga OFW mula Qatar.

Ali Express

Ang mga nasabing OFW ay mga naapektuhan ng COVID-19 pandemic sa naturang bansa na karamihan ay nawalan ng trabaho.

Gagawin ang repatriation ng mga OFW sa tatlong batch na magsimula ngayong araw.

Nasa 354 bilang ng unang batch na Filipino repatriates ang inaasahang darating ngayong araw  habang sa Agosto 19 naman ang ikalawang batch at Agosto 26 ang ikatlong batch na pawang mga sakay ng Philippine Airlines.

Ayon sa DOLE sagot ng pamahalaan ang mga gastusin ng pagpapauwi sa mga OFW na mula sa pondo ng overseas Filipino workers.

Sa talaan ng POLO-Qatar DOLE nasa 2,327 na ang napauwing Pinoy na naapektuhan dahil sa pandemya.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published.