Unang batch ng mga umuwing OFW mula Lebanon, balik-bansa na

Unang batch ng mga umuwing OFW mula Lebanon, balik-bansa na

MASAYANG nakabalik na sa bansa ang unang batch ng mga overseas Filipino worker (OFW) mula bansang Lebanon.

Lulan ng Qatar Airways Flight QR 3150 ang nasa 386 na mga OFW mula Lebanon na lumapag sa Ninoy Aquino International Airport Terminal 3.

Sa panayam kay Migrant Workers Affairs Undersecretary Sarah Lou Arriola  ay kinumpirma nito na sa bilang ng  mga dumating 20 sa mga ito ang mga nasugatan sa nangyaring pagsabog sa Beirut at walo dito ay mga nasawi, apat mula sa pagsabog at apat naman din sa ibang dahilan.

Isa si Reginald Apinardo ang nasugatan sa nangyaring pagsabog sa Port of Beirut nito lamang Agosto 4.

Kararating lang niya galing trabaho at kasalukuyan na niyang pahinga mula sa apartment na kanilang tinutuluyan.

Akala niya rin kasi na fireworks lamang ang pagsabog kaya hindi niya alintana na isa pala siya ang natamaan ng pagsabog.

Aniya wasak na rin ang kanilang bahay na tinutuluyan dahil sa Beirut blast.

Sila  Cecile, Mercy , Nenita pati na rin si Adrian na  bagama’t ligtas sa nangyaring pagsabog sa Beirut ay hindi naman sila ligtas sa hinaharap na krisis sa Lebanon kaya’t nagpasya na rin silang umuwi ng bansa dahil ilang buwan na rin silang walang trabaho.

Pahayag ni Cecille Carriedo, OFW mula sa Lebanon.

 

Pahayag ni Mercy dela Cruz, OFW mula sa Lebanon.

 

Pahayag ni Nenita Delica

Pahayag naman ni Adrian Dilao, OFW mula sa Lebanon.

Ayon naman kay Usec. Sarah Lou Arriola hindi titigil ang DFA sa pagpapauwi ng mga Pilipino mula Lebanon hanggang sa huling Pinoy na nais pang umuwi.

Sa ngayon aniya marami pang repatriation flights at mahigit 100 na dito ang nakarehistro na kailangan na lamang ay ang exit visa.

Tiniyak din ng kalihim na ang repatriation program ng pamahalaan ay libre at wala ni isang kusing ang gagastusin.

Pahayag ni Usec. Sarah Lou Arriola, Migrant Workers Affairs,DFA.

Samantala, ayon naman kay Overseas Workers Welfare Administration o OWWA Administrator Atty. Hans Leo Cacdac, makatatanggap ng mga karampatang tulong ang mga umuwing OFW pati na rin ang mga nasugatan.

Pati na rin ang mga pamilya ng mga nasawing Pinoy workers sa Lebanon ay makakatangap din ng tulong pinansyal at iba pang programa mula sa OWWA.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published.