Unang kaso ng COVID-19 sa Batangas City, naitala

NAKAPAGTALA na rin ng unang kaso ng COVID-19 ang Batangas City.

Ayon kay Batangas City Governor Hermilando Mandanas, kagabi lang nang ipaalam sa kanya ni Batangas Provincial Health Officer Dra. Rose Ozaeta ang isang confirmed case sa COVID-19.

Wala namang ibinigay na ibang detalye si Mandanas ukol sa pasyente at kung kabilang ito sa 52 na kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa bansa.

Samantala, inanunsyo rin ni Gov. Mandanas na suspendido ang pasok sa lahat ng lebel sa buong lalawigan simula ngayong araw, Marso 13 hanggang Marso 31, 2020.

Bohol, magpapatupad ng community quarantine dahil sa COVID-19

MAGPAPATUPAD rin ng community quarantine ang probinsya ng Bohol sa susunod na linggo upang mapigilan ang pagkalat ng COVID-19.

Kasunod na rin ito ng anunsyo kagabi ni Pangulong Rodrigo Duterte na isasailalim sa community quarantine ang Metro Manila simula Marso 15 hanggang April 14.

Ayon kay Bohol Governor Arthur Yap, magsisimula ang community quarantine ng hating gabi ng Lunes, Marso 16 at tatagal hanggang sa Biyernes, Marso 20.

Sinabi ni Yap na wala silang tatanggapin na mga bisita na mula sa labas ng Bohol sa mga nabanggit na petsa.

Cainta, Rizal, sasailalim din sa community quarantine dahil sa COVID-19

Nagdeklara na rin ang pamahalaang lokal ng Cainta, Rizal na sasailalim sa community quarantine simula Marso 15.

Inanunsyu ni Mayor Keith Nieto ang kanyang deklarasyon sa pamamagitan ng kanyang social media account.

Ayon sa punongbayan, kailangan nila ng municipal wide quarantine dahil nakapagtala sila ng tatlong positibo ng COVID-19.

Kasunod narin ito sa deklarasyon ng ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang public address kagabi na mag-community quarantine ang local government unit(LGUs) kung may dalawang kaso ng virus sa lugar.

SMNI NEWS

 

Leave a Reply

Your email address will not be published.