Unang kaso ng mpox sa CALABARZON, nakarekober na—DOH

Unang kaso ng mpox sa CALABARZON, nakarekober na—DOH

NAKAREKOBER na ang unang kaso ng mpox sa CALABARZON noong Setyembre 13.

Ayon sa Department of Health (DOH), ang unang mpox case doon ay dose anyos na batang lalaki na nakaranas ng sintomas gaya ng lagnat at rashes.

Wala itong travel history tatlong linggo bago siya magkaroon ng sintomas noong Agosto 10.

Ang mpox ay isang infectious disease na sanhi ng monkeypox virus at puwede ito dumapo sa tao sa pamamagitan ng close o intimate skin contact sa mga infected na taong may mucosal lesions.

Ang transmission ay maari ding mangyayari sa pamamagitan ng indirect contact sa mga contaminated materials.

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble