Unclaimed license plates ng LTO, umabot na sa 1.7-M

Unclaimed license plates ng LTO, umabot na sa 1.7-M

UMABOT na sa 1.7-M ang unclaimed license plates ng Land Transportation Office (LTO).

Ang mga unclaimed license plates ay nagmula sa iba’t ibang regional offices ng bansa.

Inatasan ni LTO Secretary Jaime Bautista si LTO OIC Hector Villacorta na gumawa imbentaryo sa mga magagamit na mga plaka at suriin ang mga ito.

Ayon kay Bautista, plano ng ahensiya na bumuo ng isang app kung saan makikita ang mga nakatanggap ng mga plaka at hindi pa nakatanggap ng mga plaka.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter