Unconsolidated jeepney drivers, huhulihin na ng LTFRB

Unconsolidated jeepney drivers, huhulihin na ng LTFRB

SIMULA bukas, Mayo 16 ay huhulihin na ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang mga jeepney driver na bigong magpa-consolidate ng kanilang public utility vehicles.

Ito ang sinabi ni LTFRB Chairman Teofilo Guadiz III dahil sila ay ikinokonsidera nang ilegal o kolorum matapos ang itinakdang deadline ng PUV Modernization Program noong Abril 30.

Matatandaan na nilinaw na noon ng ahensiya na wala nang extension ang naturang deadline para sa consolidation ng mga PUV sa mga kooperatiba.

Ang mga mahuhuling driver ay posibleng mapatawan ng isang taong suspensiyon.

Ang kanilang mga unit naman ay pagmumultahin ng P50-K at i-impound ng 30 araw.

Habang ang mga operator naman na hindi nagpa-consolidate ay posibleng bawian ng kanilang prangkisa.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble