SINABAYAN ng vaccination drive vs COVID-19 ang paggunita ng Undas sa Himlayang Pilipino Memorial Park sa Quezon City.
Paraan ito ng QC-LGU para maparami pa ang maturukan ng booster shot kahit holiday sa bansa.
Rason ng mga nagpabakuna, ngayon lamang sila nagkaroon ng timing para magpaturok ng second dose ng booster shot kasabay ng paggunita ng Undas.
Tumanggap naman ang mga ito ng Pfizer vaccine bilang second booster.
Pawang abala sa trabaho tuwing weekdays ang mga nagpabakuna sa sementeryo kaya sinamantala nila ang pagkakataon na magpaturok.