“Under a Piaya Moon”, nakakuha ng 8 trophies mula sa Puregold CinePanalo Film Festival

“Under a Piaya Moon”, nakakuha ng 8 trophies mula sa Puregold CinePanalo Film Festival

NAKAKUHA ng walong trophies ang 2024 film na “Under a Piaya Moon” mula sa Puregold CinePanalo Film Festival.

Ang mga nasungkit nito na parangal ay ang Best Picture, Best in Cinematography, Best in Production Design, at Best Editing.

Nakuha rin nito ang dalawang special awards gaya ng Responsableng Paglikha ng Award ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) at Special Citation mula sa Mowelfund Film Institute.

Nakuha rin ni Jeff Moses ang Best Actor award kasama si Carlos Siguion-Reyna habang Best Supporting Actor award naman ang nakuha ni Joel Torre.

Sentro ang kuwento ng “Under a Piaya Moon” sa isang lalaki noong 1980s sa Bacolod City na nagnanais maipagpatuloy ang legasiya ng kanilang pamilya sa pamamagitan ng pagsali ng isang inter-city pastry competition.

Naganap ang Puregold CinePanalo Film Festival nitong Marso 15 sa Gateway Cineplex 18, Quezon City.

Follow SMNI NEWS on Twitter