Unemployment rate noong Oktubre, bumaba kumpara sa kaparehong panahon noong 2023

Unemployment rate noong Oktubre, bumaba kumpara sa kaparehong panahon noong 2023

BUMABA ang unemployment rate noong Oktubre kung ikukumpara sa kaparehong panahon noong nakaraang taon ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA).

Mula sa 4.2 percent noong October 2023 ay nasa 3.9 percent ito ngayong 2024.

Katumbas na lang ito ng 1.97 milyong Pinoy na walang trabaho mula sa 2.09 milyon sa nagdaang taon.

Ang employment rate ay tumaas rin sa 96.1 percent noong Oktubre at katumbas ito ng 48.16 milyon na indibidwal na may trabaho.

Iyon nga lang, ang labor force participation ay bahagyang bumaba sa 63.3 percent.

Ibig sabihin, mas kaunti ang bilang ng mga taong aktibong naghahanap ng trabaho.

Samantala, ang under-employment ay nasa 12.6 percent o katumbas ng 6.08 milyon na mga Pilipinong bagama’t may trabaho ay nagnanais na madagdagan ang kanilang working hours.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble