Unemployment rate sa Pilipinas, bumaba nitong Agosto—PSA

Unemployment rate sa Pilipinas, bumaba nitong Agosto—PSA

NASA 4.0% ang naitalang unemployment rate nitong Agosto ayon sa datos ng Philippine Statistics Authority (PSA).

Mas mababa ito sa 4.7% na naitala noong Hunyo ngayong taon.

Katumbas naman ito ng 2.07M na indibidwal na walang trabaho.

Ang underemployment rate ay bumaba rin sa 11.2% mula sa 12.1% habang tumaas ang bilang ng mga may trabaho sa 96% mula sa 95.3% noong Hulyo.

Ibig sabihin, nasa 49.15M na mga Pilipino ang may trabaho noong Agosto.

Mas mataas naman ang labor force participation rate noong Agosto na nasa 64.8% mula sa 63.5% noong Hulyo.

Ang top five sub-sectors na may malaking pagtaas ng employed person ay ang wholesale and retail trade, repair of motor vehicles and motorcycles, public administration and defense, compulsory social security, education, transportation and storage at iba pang serbisyo.

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble