Unica hija ni award-winning journalist Kara David, magna cum laude

Unica hija ni award-winning journalist Kara David, magna cum laude

NAGTAPOS bilang magna cum laude si Julia Kristiana, ang anak ni award-winning journalist Kara David.

Bachelor of Science in Family Life Development sa UP Diliman ang kurso nito at noong Hulyo 30 isinagawa ang kanilang face-to-face graduation ceremony.

Ayon kay Kara David, kontento na siya kung makapagtapos lamang sa kolehiyo ang kanyang anak subalit lubos nitong ikinagalak na sinuklian pa nito ang kanilang suporta sa pamamagitan ng pagiging top 1 nito sa klase.

Caption pa ng mamamahayag, proud na proud siya sa kanyang anak dahil lahat ng pagod at pagsisikap ng anak sa pag-aaral ay nagkabunga.

Follow SMNI NEWS in Twitter