Unification kasama ang South Korea, hindi na posible—Kim Jong Un

Unification kasama ang South Korea, hindi na posible—Kim Jong Un

IPINANAWAGAN ni North Korean leader Kim Jong Un ang pagpapalit ng konstitusyon at kilalanin ang South Korea bilang isang ‘hostile state’.

Sa kanyang talumpati sa Supreme People’s Assembly, inihayag ni Kim na hindi na siya naniniwala na posible pa ang unification at inakusahan ang South Korea na tinatangkang magsagawa ng regime change.

Ayon sa North Korean state media, ang North Korea ay magsasara ng tatlong ahensya na nangangasiwa ng unification at Inter-Korean tourism.

Kinondena naman agad ni South Korean President Yoon Suk Yeol ang Pyongyang bilang anti-national sa pahayag nito ukol sa Seoul.

Tinuligsa rin ni Yoon ang huling missile launch ng North Korea at live-fire exercises ng North Korea sa maritime border nito.

Sa huli, ayon kay Kim hindi nais ng North Korea ng digmaan pero wala silang intensyon na iwasan ito.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter