Unified curfew sa Metro Manila, sinimulan na kagabi

Unified curfew sa Metro Manila, sinimulan na kagabi

NAGSIMULA na ang unified curfew sa Metro Manila kagabi.

Ito ang sinabi ng Metro Manila Council sa publiko matapos magkasundo ang Metro Manila mayors na magpatupad ng unified curfew simula alas 8:00 ng gabi hanggang 5:00 ng umaga.

Ito ay bilang bahagi ng mas mahigpit na General Community Quarantine sa rehiyon dahil sa COVID-19.


Gayunman, sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque na hindi muna kasama sa unified curfew ang Maynila, Pasig at Muntinlupa na kasalukuyang nagpapatupad ng localized curfew hours.

Ayon kay Roque, pumayag namn ang tatlong city government na isunod ang kanilang curfew hours ngayong linggo.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published.