Unilateral ceasefire ng CPP-NPA, welcome development para sa AFP

IKINATUWA ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang pagdedeklara ng unilateral ceasefire ng Communist Party of the Philippines- New People’s Army (CPP-NPA).

Ito ay kasunod na rin ng inanunsyong tigil-putukan ni Pangulong Rodrigo Duterte sa mga rebelde habang pinipigilan ang pagkalat ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19).

Ayon kay AFP Civil Relations Service Chief Major General Ernesto Torres, umaasa silang maging sinsero ang mga rebelde sa ceasefire.

Nabatid na katuwang ng pulisya ang militar sa pagbabantay sa checkpoints habang pinaiiral ang enhanced community quarantine dahil sa banta ng COVID-19.

Una nang pinaalalahanan ni AFP Chief of Staff General Filemon Santos ang militar na maging alerto dahil sa kabila ng ceasefire ay naglulunsad pa rin ng pag-atake ang mga rebelde.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published.