LUMAGDA ng kasunduan ang United Indigenous Peoples’ Heritage of the Philippines (UniPhil) sa pangunguna ng honorary chairperson na si Pastor Apollo C Quiboloy at ang National Commission on Indigenous Peoples (NCIP) para isulong ang kapakanan at karapatan ng IP communities sa bansa.
Maraming taon nang biktima ang mga kapatid na katutubo sa iba’t ibang bahagi ng bansa ng pang-aabuso, diskriminasyon, napagsasamantala, at madalas ginagamit ng ilang mga grupo para sa kanilang pansariling interes.
Kaya naman hindi pinalampas ni Pastor Apollo C. Quiboloy ang pagkakataon na makatulong para sa kapakanan, proteksiyon, at para sa ikaangat ng pamumuhay ng mga indigenous people sa bansa.
Dahil dito, itinatag ni Pastor Apollo ang UniPhil kung saan siya ang honorary chairperson upang tutukan ang kapakanan ng mga katutubo sa bansa.
“I swear before God, that I would never exploit and deprive IPs of their inherent and sacred right to life, liberty and property. For I am called by God to be the repairer of the breach, the restorer of the paths, and to help people reconcile back to Him. Fueled by great love and compassion to help the ICCs/IPs I have initiated to establish the. United Indigenous Peoples’ Heritage of the Philippines (UniPhil) to serve as a platform for millions of ICCs/IPs to voice out their long-standing struggle for rights to ancestral domains, right to self governance and empowerment , social justice and human rights and cultural integrity,” pahayag ni Pastor Apollo.
Samantala, aminado si NCIP OIC Executive Director Atty Caesar Ortega na malaki ang hamon na kinakaharap ng kanilang ahensiya dahil hindi aniya sapat ang kanilang pondo para maabot at matulungan ang mga IP sa buong bansa.
“The NCIP is mandated to protect and promote the interest and well-being of indigenous cultural communities and indigenous peoples with due regard to their beliefs, customs, traditions, and institutions. Now this mandate is very broad and very ambitious and we take it seriously. But, how can we do this with our minuscule budget,” pahayag ni Ortega.
Para kay NCIP Chairperson Allen Capuyan, malaking tulong sa kanila ang UniPhil sa pangunguna ni Pastor Apollo C. Quiboloy.
“Maganda, bago ko pa siya nakilala sa UniPhil ay kilala ko na siya years back at marami na kaming napag-uusapan at dun na ako nag-draw ng decision ng malawak na appreciation sa problema ng ating bansa, ng taumbayan, at katutubo,” pahayag ni Capuyan.
“Ang ine-expect po namin sa partnership ng UniPhil at NCIP is magkaisa po ang mga katutubo since isa ito sa mga goal at pangarap po ng ating butihing Pastor of course Sec. Allen Capuyan na magkaisa po ang lahat ng katutubo,” ayon naman kay Bae Anna Jessa Mae Crisostomo.
“So we had the MOA signing, MOU signing with NCIP head and personnel that were present we will start this crusade for the IPs all over the country that is the main objective, mission and vision of UniPhil is to help them, protect them and to maintain their culture , especially in the ancestral domain lands, maproteksiyunan sila,” ayon sa butihing Pastor.
Una nang kinwento ni Pastor Apollo na malapit sa puso niya ang mga IPs dahil isang katutubo ang mismong tumulong nang siya ang maipanganak, lumaki din ito na mga katutubo sa Mindanao ang kaniyang mga kalaro hanggang sa mag-aral ito sa high school sa parang kung saan mga IPs doon ang kaniyang mga nakasama.
Maging sa unang bahagi ng kaniyang buhay bilang isang mangangaral ay nakasama niya ang mga Blaan sa Kitbog na matatagpuan sa Sarangani Province.
Kaya hindi nakapagtataka na naiintidihan ni Pastor ang kanilang sitwasyon.
“So, I am really well versed with the plight of the IPs and I wanted to help them, to elevate them, into the status of that we have,” ani Pastor Apollo.
Samantala, nanindigan si Pastor Apollo na hindi dapat ituring na minorities ang mga miyembro ng indigenous peoples.
Ayon kay Pastor Apollo, hindi makatuwirang ituring o tawaging second class citizens ang mga IPs at kasama ng kaniyang adbokasiya sa UniPhil ang matiyak na magkaroon ng patas na pagtingin sa mga katutubo katulad ng kahit sinong Pilipino sa bansa.
“I don’t want them to be called minorities I want to call them as FIlipinos in equal footing with anyone. Yun ang gusto nating mangyari. We will not categorize them as minorities o kaya second class citizens of the Philippines there is no such a thing so we should always strive to give them honor and the dignity and preserve their culture as they have so magiging pride natin sila as Filipinos in equal footing with anyone,” dagdag ng butihing Pastor.