NAGSAGAWA ng early Christmas Gift-Giving Program sa Brgy. Tawas, Kitaotao, Bukidnon kamakailan ang United Indigenous Peoples Heritage of the Philippines Inc. (UniPhil) at JC Workers Members Cooperative (JCWMC).
Nasa 200 ang pamilya at 150 kabataan ang benepisyaryo nito.
Nagpasalamat naman sila kay Pastor Apollo C. Quiboloy o ‘Datu Pamulingan’, ang honorary chairperson ng UniPhil para sa mga regalong ibinigay sa mga pamilyang Manobo-Matigsalog Tribe.
Pinasalamatan din ng mga ito ang buong UniPhil dahil napili nila ang Kitaotao para maging recipient ng programa.