UNISOL inilunsad ang 2025 Chameleon Collection na gawa sa Philippine Tropical Fabrics

UNISOL inilunsad ang 2025 Chameleon Collection na gawa sa Philippine Tropical Fabrics

INILUNSAD ngayong Biyernes, Disyembre 20, 2024 ng Cebu-based workwear company na Uniform Solutions o UNISOL ang kanilang 2025 Chameleon Collection.

Tampok sa koleksiyon ang mga unipormeng gawa sa Philippine Tropical Fabrics (PTF) o mga telang ginamitan ng natural fibers na hinabi, tinahi o ginawa sa Pilipinas.

Halimbawa rito ay ang natural filaments mula sa saging, abaca, pinya at Philippine Silk.

Ang paggamit ng PTF ay alinsunod sa RA 9242 o ang Philippine Tropical Fabrics Law na nag-aatas sa lahat ng ahensiya na gamitin ang tela sa lahat ng government issued uniforms.

Ang UNISOL ay pioneer workwear company sa buong Pilipinas sa paggamit ng PTF sa kanilang mga gawa batay sa batas.

Nasa 1,000 wash cycles o higit apat na taon bago masira kung araw-araw gagamitin ang mga damit ng Unisol na gawa sa PTF.

Ginawa naman sa isang hotel sa Quezon City ang launching ng bagong UNISOL Collection.

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble