IKINOKONSIDERA na ng Department of Trade and Industry (DTI) na isama ang unit cost sa ilalabas nila na suggested retail price (SRP) bulletin.
Ito’y para mas maalalayan ang mga konsyumer sa kanilang pamimili ayon kay DTI Assistant Sec. Amanda Nograles.
Ang unit cost ay ang kabuuang gastos ng isang kompanya sa produksiyon, pag-imbak at pagbenta ng isang produkto.
Ang hakbang ay para matugunan ang pag-aalala ng mga tao hinggil sa tinatawag na ‘shrinkflation’.