UniTeam, Batangas ang tungo sa pinakahuling campaign sortie; BBM, agrikultura, turismo, pandemya ang tututukan

UniTeam, Batangas ang tungo sa pinakahuling campaign sortie; BBM, agrikultura, turismo, pandemya ang tututukan

BATANGAS ang tungo ng UniTeam para sa kanilang pinakahuling campaign sortie.

Sa naging kampanya kahapon, March 2, muling ipinabatid ni presidential candidate Bongbong Marcos ang importansya ng pagkakaisa ng lahat tungo sa pag-ahon at pagbabago.

Binigyang-diin nito sa kanyang talumpati na ang pagpapaunlad sa sektor ng agrikultura at turismo kasunod sa pandemya ang isa sa kanyang tututukan sakaling maihalal sa pwesto.

Ipagpapatuloy rin aniya ng UniTeam ang Build Build Build program ng administrasyong Duterte.

Dagdag ni Marcos, pag-aaralan din nila kung paano mapababa ang halaga ng kuryente sa bansa.

Follow SMNI NEWS on Twitter