‘United in love’, ang napiling tema sa kauna-unahang pagtatanghal ng art exhibit ng United Indigenous Peoples Heritage of the Philippines (UniPhil) na itinatag ni Pastor Apollo C. Quiboloy ng The Kingdom of Jesus Christ.
Kasabay ito ng pagdiriwang ng kaarawan ng butihing Pastor nitong Abril 25.
Tampok sa nasabing art exhibit ang iba’t ibang obra mula sa iba’t ibang local Filipino artists ng Mindanao at iba pang bahagi ng bansa.
Bilang mga katuwang ng sining, lubos ang kanilang pasasalamat kay Pastor Apollo dahil sa ipinapakita nitong suporta sa kultura ng Pilipinas at sa mga katulad nilang patuloy na yumayakap sa sining ng mga Pilipino.
Samantala, isa sa mga inabangan sa aktibidad ay ang kamangha-manghang collaborative art mula sa mga kalahok sa isinagawang on-the-spot painting contest na isa sa mga ipinagmamalaking lugar ng Kingdom Nation—Glory Mountain.
Espesyal ang nasabing obra dahil naging parte rito si Pastor Apollo.
Pero higit sa lahat ay ang kanilang paghanga sa kabutihan ni Pastor Apollo sa sangkatauhan.
Pastor Apollo C. Quiboloy, itinuturing na isang obra ang pagkatao dahil sa mga buhay na binago
Anila, higit pa sa pagiging isang pintor ang nagawa ni Pastor Apollo sa kaniyang ministeryo lalo na sa pagbibigay-buhay sa mga taong nawawalan ng pag-asa sa buhay, sa pamamagitan ng mga salita ng Diyos at pag-ibig sa kapwa tungo sa kanilang kaligtasan.
Kaya naman maituturing din na isang obra ng Diyos ang tulad ni Pastor Apollo dahil sa mga buhay na kaniyang binago at sa itinulong sa pagpapaunlad ng bansa.