PINAPLANO ngayon ng United Kingdom ang pagpapalawak ng kanilang nuclear power.
Batay sa Civil Nuclear Roadmap, magkakahalaga ng 300 million pounds ang itatayong panibagong major power station.
Layunin ng pagpapalawak ng nuclear power ang makamit ang kanilang itinakdang carbon emission reduction maging ang hindi na pagiging dependent sa fossil fuel.
Ayon kay Prime Minister Rishi Sunak, mas eco-friendly, mas mura at mas natitiyak ang energy supply sa buong United Kingdom sa loob ng ilang taon sa pamamagitan ng paggamit ng nuclear power.