United States, nagsampa ng mosyon laban sa Honduran president

NAGSAMPA ng mosyon ang mga prosecutor ng United States laban kay Honduran President Juan Orlando Hernandez dahil umano sa pagkasangkot nito sa pagtanggap ng suhol galing sa drug traffickers.

Bukod dito ay pinoprotektahan din umano ng armed forces ng bansa ang cocaine laboratory at shipments nito papunta sa U.S.

Ayon kay President Hernandez, hindi totoo ang pag-aakusa sa kaniya ng mga drug trafficker, naghihinganti lang aniya ang mga ito dahil sa pagtugis sa kanila.

Itinanggi din ni Hondura’s Ambassador to United States Luis Fernando Suazo, ang paratang sa pangulo, aniya walang basehan ang isinampa ng mga prosecutor at nagbase lamang mga ito sa pahayag ng mga drug trafficker.

SMNI NEWS