Unlimited summer treat, handog ng KOJC sa Banateros brothers at DDS vloggers sa Hong Kong

Unlimited summer treat, handog ng KOJC sa Banateros brothers at DDS vloggers sa Hong Kong

NAMANGHA ang lahat sa Macau treat ng Kingdom of Jesus Christ (KOJC) sa Banateros brothers at DDS vloggers.  Anila, isang unlimited summer treat ito na hinding hindi nila malilimutan.

Ang Macau ay hindi lamang isang magandang lugar upang manirahan at magtrabaho.

Isa rin itong sikat na destinasyon ng mga turista mula sa ibat ibang panig ng mundo.

At bilang bahagi ng treat ng KOJC, binisita ng Banateros brothers, kasama sina Ka Eric at vloggers ang rehiyon na kilala sa mayamang kasaysayan at kultura.

Hindi pa nagtatapos ang summer treat ng KOJCpara sa mga kaibigang vloggers, Banateros brothers, SMNI hosts at anchors sa Hong Kong trip nito dahil sunod na tinungo ng grupo, ang Macau!

Matapos ang ilang oras na biyahe patawid mula Hong Kong at dahil sa nakakapagod na road trip, pahinga muna sila sa Grand Emperor Hotel.

Kakaiba ang hotel na ito dahil ang flooring, gold!

Take note hindi lang basta gold kundi 1 kilogram gold bar ang flooring nito… amazing di ba?

Pero maya maya lang… heto isang espesyal na salu-salo ang ibinigay ng KOJC para sa mga bisita.

‘’Thank you, Thank uou Pastor…grabe ang pagmaltrato mo sa ‘min. Ang sasarap ng mga pagkain dito,’’ ayon kay VMR Channel, Vlogger.

‘’Thank you po sa pagkain. Welcome po sa Macau. Pastor, maraming salamat po. I Love You!’’ ayon naman kay Dhan Chan, Vlogger.

‘’Wonderful and great time. Thank you so much Pastor. Its a great opportunity to be here in Macau. Thank you Kingdom of Jesus Christ,’’ saad ni Jeffrey “Ka Eric” Celiz.

Huling araw man ng grupo sa lugar, isang bagay lang ang kanilang hindi maiwawaksi at maitatago sa buhay, ang pagpapasalamat nang lubos kay Pastor Apollo C. Quiboloy at sa buong KOJC dahil sa walang katapusang biyaya at kabaitan na kanilang tinanggap at tinatanggap mula nang maging bahagi sila ng pamilya ng SMNI at ng Kingdom bagaman ‘di sila kaanib nito.

Samantala, sa kabila ng magandang karanasan sa ibayong dagat, aminado ang mga ito na tila may kulang.

Anila, hindi na kailangan sana ng isang Pilipino na manirahan at magtrabaho sa ibang bansa kung ang gobyerno ay responsable sa paggamit ng pera ng taumbayan para sa kanila ring kapakanan.

Bilib sila sa narating ngayon ng KOJC dahil sa nagawa nitong maitaas ang lebel ng Bansang Kaharian sa pamamagitan ng pagkakaisa mula sa maayos at mahusay na pamumuno ni Pastor Apollo C. Quiboloy

‘’Siguro maganda na, kung darating ‘yung panahon na si Pastor ay mapapawalang sala sa lahat ng mga bintang sa kanya, I think it’s about time na ‘yung government natin makipag-usap sa kanya at tingnan kung ano ba ang nagawa niya na naging sobrang successful nila, despite the fact na may scarcity sila sa funds, na sila kailangan pa nilang magtulong tulong para masustain ‘yung lifestyle nila. ‘Di gaya ng mga Pilipino na may gobyerno at lahat ng resources nasa kanila. So I think kung aalisin lang natin ‘yung inggit, ‘yung poot sa dibdib tsaka yung pride natin, maraming maitutulong si Pastor Apollo C. Quiboloy hindi lang sa KOJC, sayang ‘yung talino nung tao, kailangang magamit ng bansa natin, at least naman hindi lang sa taga-KOJC ang nakakaranas ng ganitoon klase na mga opportunities,’’ saad ni Boss Dada, Host, Banateros sa SMNI.

Giit pa nila, kaya naman talagang pantayan at maabot ng Pilipinas ang mayayamang bansa kung ngayon palang ay sisimulan ng mga nasa gobyerno ang pagbabago mula sa impluwensiya ng korapsiyon at pamumulitika.

‘’Nandito kami ngayon sa Macau, alam niyo posibleng may ganito sana tayo kung hindi magnanakaw ang mga nasa gobyerno natin ngayon. Kaya lang, dahil puro sila magnanakaw puro mga buwaya, ayun, napakalayo po, ang layo ng Hong Kong, Macao, Japan ng USA, kahit anong bansa, ang layo na ng Pilipinas dahil sa puro korap na nasa posisyon na politiko natin,’’ ani Coach Oli, Host, Banateros sa SMNI.

Sa huli, bukod sa pagpapasalamat, nagpaabot din ang Banateros ng kanilang solidong suporta at pagtatanggol para kay Pastor Apollo at sa buong KOJC bilang kasangga anila ito sa mga patuloy na sinisira ang imahe ng butihing Pastor at mga magagandang ginagawa nito sa kanilang kongregasyon at sa mga komunidad sa bansa at sa iba pang bahagi ng mundo.

‘’Naku hindi lamang ito celebration ng KOJC Hong Kong pero parang welcome na rin po ang Banateros sa SMNI, as a entire family ng KOJC. Natuwa po kami sa inyo sa pagsama niyo sa ‘min dito sa Hong Kong at sa Macau at talagang nag-enjoy po kami sa bawat minuto na pag-iikot namin dito, malaking bagay po ‘yung pag-iikot namin sa ibang bansa eh makita natin kung ano ang dapat nating gawin at mas maunawaan pa natin at dahil nga doon  maraming salamat po kay Pastor Apollo C. Quiboloy sa kanyang pagtulong sa amin dito na ma-welcome dito sa KOJC ng Hong Kong at dahil dito ay lalo kaming ginaganahan na lumaban para sa bayan dahil kayo ho ay lumalaban din sa inyong pamilya at para sa bayan, maraming salamat po,’’ saad ni Banat By Host, Banateros sa SMNI.

 ‘’Maraming salamat Pastor sa kabutihan ng iyong puso..at kami po ay araw-araw  mananalangin, isasabay ka po namin sa aming panalangin pati na rin ang inyong kongregasyon. Once again maraming maraming salamat po Pastor, hayaan niyo po nandito po kami, kami po ay magtatanggol sa inyo dahil alam namin na ikaw ay walang kasalanan, malinis ang konsensiya, mabuti ang puso at higit sa lahat marami ang natulungang Pilipino pati nga ibang lahi sa ibat ibang panig ng mundo. Ipagpatuloy niyo po ang inyong ginagawa dahil kami po ay nakasuporta, at kami po ang bahala sa mga sumisira sa inyo,’’ayon kay Master Judea Host, Banateros sa SMNI.

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble