NASA P531.66B ang ‘unprogrammed funds’ ng Office of the President batay sa napagkasunduan ng Bicameral Committee sa ilalim ng proposed 2025 national budget.
Sa inisyal na request, nasa P158.6B lang ito ngunit nang maisalang sa BiCam ay nadagdagan ito ng P373B.
Hindi ito ang unang pagkakataon na tinaasan ng BiCam ang unprogrammed funds para sa Office of the President.
Samantala, kung sisilipin, nasa P731.44B ang unprogrammed funds nila ngayong taon.