SINIGURADO ng Department of Trade and Industry (DTI) na hinding-hindi na makakapasok sa bansa ang vape products na hindi nakapagparehistro sa Philippine Standard (PS) license o Import Commodity Clearance (ICC).
Magsisimula ito sa Hunyo 5 ayon kay DTI Asec. Amanda Nograles.
Maaari pa namang ibenta hanggang maubos ang kasalukuyang mga naka-inventory bago ang Hunyo 5.
Subalit sa Enero 5, 2025, opisyal nang i-dispose ang mga hindi rehistradong vape products na hindi pa na-sold out.
Sa ngayon ay maaari pang makapasok sa bansa ang mga hindi rehistrado basta’t mag-aaplay ito ng confirmation of exemption sa DTI.