Unregistered voters, ‘di dapat mangamba sa pagtangap ng ayuda

HINDI dapat mangamba ang mga mamamayang hindi botante o rehistrado sa kanilang mga lugar kaugnay sa pagbibigay ng ayuda ng pamahalaan kaugnay sa ipinatutupad na enhanced community quarantine sa buong luzon laban sa Coronavirus Disease 2019 (COVID-19).

Sa panayam ng Sonshine Radio kay Department of Interior and Local Government (DILG) Secretary Eduardo Año, nilinaw nito na lahat nang apektado ng ecq ay makakatanggap ng ayuda.

“Ang mga informal economy settlers kagaya ng mga nagtitinda sa mga kalsada, mga namamasada ng tricycle, padyak at jeep ay kasama rin sa mga beneficiaries ng ipapatupad na bayanihan We Heal as One Act. Sa nasabing batas, makakatanggap ang mga ito ng P8000 ayuda para sa pang araw-araw na pangangailangan kasabay pa ang ilang mga tulong galing sa ibang ahensya ng gobyerno. Kasama rin ang mga urban poor at indigent families sa mga pangunahing makakatanggap ng tulong alinsunod sa naturang batas.” Ang tinig ni Sec. Año.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published.