Unti-unting pagbagsak ng KABAG party-lists, bunga ng pinagsanib-pwersa nina PRRD at Pastor Apollo –  Esperon

Unti-unting pagbagsak ng KABAG party-lists, bunga ng pinagsanib-pwersa nina PRRD at Pastor Apollo – Esperon

KINILALA ni National Security Adviser (NSA) Secretary Hermogenes Esperon Jr. ang malalaking suporta nina Pangulong Rodrigo Roa Duterte at Rev. Dr. Pastor Apollo C. Quiboloy, honorary chairman ng SMNI sa unti-unting pagbagsak ng CPP-NPA-NDF sa bansa.

Sa eksklusibong panayam ng SMNI News, sinabi ni Esperon na ang pagkatalo ng maraming party-list groups nitong nagdaang eleksiyon ay bunga ng matinding panawagan nina Pangulong Duterte at Pastor Apollo na huwag iboto ang mga nasa ilalim ng KABAG party-list groups.

Ilan sa mga ito ay ang grupong Kabataan, Anakpawis, Bayan Muna, ACT Teachers at Gabriela kung saan ilan na lang ang natira dito na nakapasok sa Kongreso.

Ani Esperon, hindi basta-basta ang nawalang milyon milyong boto ng mga ito dahil sa pagkamulat ng publiko sa mga kalokohan at panlilinlang nila sa mamamayan.

Ayon sa kalihim, mula sa 6 party-list groups noon sa Kongreso, nasa 3 na lang ngayon ito kasabay ng paghina ng impluwensiya nito sa bansa.

Dahil dito, naniniwala si Esperon na maliit na lang ang pwersa ng CPP-NPA-NDF dahil sa bumababang bilang ng tagasuporta nito sa buong bansa.

Nauna nang sinabi ng kalihim na posibleng hindi pa makaupo ang Gabriela Party-list dahil sa nakabinbing reklamo nito sa COMELEC.

Follow SMNI NEWS in Twitter