Unyon ng mga gobernador at mayor, humiling ng karagdagang proteksiyon sa PNP

Unyon ng mga gobernador at mayor, humiling ng karagdagang proteksiyon sa PNP

NAGKAKAISANG hiniling ng mga miyembro ng Union of Local Authorities of the Philippines (ULAP), executive directors, governor at mayor sa Philippine National Police (PNP) na bigyan sila ng karagdagang seguridad.

Kasunod ito ng mga nai-tatalang pamamaslang at ambush sa ilang mga halal na opisyal ng pamahalaan.

Hiling ng lokal na opisyal sa PNP na payagan silang mag-hire ng protective security mula sa private security agency.

Nais din ng mga ito na makakuha ng access sa mga lugar kung saan isinasagawa ang mga checkpoints para madetermina kung ang mga lehitimong checkpoint ng mga awtoridad at maiwasan ang problema.

Inirekomenda rin ng mga local officials ang maayos na koordinasyon sa kanilang mga tanggapan mula sa PNP lalo na sa mga itinuturing na high-risk areas sa bansa.

Follow SMNI NEWS in Twitter