UP-DND Accord, walang bisa ayon kay dating Senador Juan Ponce Enrile

PINABULAANAN ni dating Senate President Juan Ponce Enrile na may kinalaman siya sa tinaguriang “UP Accord.”

Ang tinutukoy ni Juan Ponce Enrile ay ang 1989 UP-DND Accord na pinirmahan noon nina dating UP President Jose Abueva at dating Defense Secretary Fidel Ramos.

Sa ilalim nito, bawal ang lahat ng sundalo at pulis na magsagawa ng operasyon sa loob ng mga campus ng University of the Philippines.

Bago ang 1989 deal, nagkaroon muna 1982 Soto-Enrile Accord sa panahon ng reheming Marcos.

Ito ay pinirmahan ng student leader noon na si Sonia Soto at ni nooy Defenser Minister Juan Ponce Enrile.

Pero sa Facebook post ni Enrile, sinabi nito na fabricated o hindi totoo ang UP Accord.

“As far as I concerned that so-called “UP Accord,” is total fabrication,” ayon kay Enrile.

Itinanggi din ni Enrile na may pinasok siyang kasunduan sa panahon niya bilang Defense Secretary.

“I never entered into any kind of agreement with the University of the Philippines during my time as Secretary of National Defense,” aniya pa.

Tahasan ring sinabi ni Enrile na walang epekto ang sinasabing agreement at wala siyang kinalaman dito.

“If, indeed, there was such an agreement, it was is totally void and of no effect, as far as I was concerned. I had nothing to do with it,” dagdag ni Enrile.

Mahigit 3 dekada ang nakalipas, ibinasura kahapon ng Department of National Defense ang UP Accord.

Ayon kay Defense Secretary Delfin Lorenzana, obsolete na ang kasunduan.

Punto rin nito na nagiging pugad ng mga kalaban ng pamahalaan ang UP.

“The country’s premier state university has become a safe haven for enemies of the state,” ayon kay Lorenzana

Giit rin ng opisyal na hindi hahayaan ng gobyerno ang mga paglabag sa batas, sa freedom of speech at freedom of assembly.

“The Department of National Defense will neither renege nor shirk on its duty to protect the rights of the majority.  It will not tolerate those who will violate the laws of the land in the guise of lawful public dissent, free assembly and free speech. It is our sworn duty to protect the Filipino people,” dagdag ni Lorenzana.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published.