Updated guidelines ng revised MATATAG Curriculum, epektibo na ngayong buwan

Updated guidelines ng revised MATATAG Curriculum, epektibo na ngayong buwan

EPEKTIBO na second quarter ng school year o sa Setyembre 25 ang updated guidelines ng Revised Kindergarten to Grade 10 Curriculum o mas kilala bilang MATATAG Curriculum.

Inanunsiyo ito ng Department of Education nitong Huwebes, Setyembre 19, 2024.

Sa ilalim ng updated guidelines, may tatlong options na nakapaloob dito.

Sa Option A, 45 minutes lang ang ilalaan sa lahat ng learning areas.

Mayroon ding 45 minutes na ilalaan bawat linggo para sa homeroom guidance program.

Sa Option B, maaaring laanan ng pare-parehong 50, 55 0 60 minutes ang bawat learning area.

Ang English, Mathematics, Science, at Values Education ay ituturo ng limang beses bawat linggo.

Maliban pa sa homeroom guidance program na ituturo isang beses bawat linggo, ituturo din ng apat na beses bawat linggo ang Edukasyong Pantahanan at Pangkabuhayan (EPP) o Technology and Livelihood Education (TLE); Music, Arts, Physical Education and Health (MAPEH); at Araling Panlipunan (AP).

Sa Option C, nakadepende na sa paaralan kung anong uri ng kombinasyon ang kanilang gagawin basta’t nasa limang oras at tatlumpung minuto bawat araw lang ang learning contact ng mga mag-aaral.

Kailangan lang siguruhin ng mga paaralan na ang English, Math, Science, at Values Education ay nasa kabuuang 225 minutes bawat linggo ang inilaan para sa pag-aaral nito.

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble