Urban farming sa mga ospital, sisimulan ng DA, DOH

Urban farming sa mga ospital, sisimulan ng DA, DOH

NAKIPAG-ugnayan na ang Department of Agriculture (DA) sa pamamagitan ng Bureau of Plant Industry (BPI) sa Department of Health (DOH) tungo sa promosyon ng urban farming sa mga pampublikong ospital.

Layunin nito ang magkaroon ng suplay ng pagkain gaya ng gulay at iba pa upang maiwasan ang mga sakit at makapagbigay ng therapy sa mga pasyente.

Ayon kay BPI Director Gerald Glenn Panganiban, napag-usapan na nila ni DOH Sec. Ted Herbosa ang tungkol dito.

Sa kasunduan ng dalawang ahensiya, ang DOH ang maglalaan ng espasyo sa bawat ospital para sa urban farming habang ang DA na ang magmi-maintain nito.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter