NAKIPAGKITA si US Ambassador to the Philippines MaryKay Carlson kay Vice President Sara Duterte sa Davao City.
Ito ay habang nagdiriwang ang Davao ng Kadayawan Festival.
Ayon kay Vice President Duterte, napag-usapan nila ang patuloy na pagpapalalim ng kooperasyon, lalo na sa larangan ng edukasyon, at pagpapanatili ng magandang relasyon sa Amerika.
Ito na ang pangalawang opisyal na pagkikita nina Vice President Duterte at Carlson simula nang naluklok si Duterte bilang pangalawang pangulo.