US at China, inaasahang mangunguna sa 2024 Paris Olympics

US at China, inaasahang mangunguna sa 2024 Paris Olympics

INAASAHANG Estados Unidos at China ang mangunguna sa medal counts ngayong 2024 Paris Olympics.

Ayon sa Gracenote Sports ng Nielsen, tinatayang nasa 123 ang makukuhang medals ng Estados Unidos at nasa 89 medals naman ang China.

Sunod naman sa inaasahang makakakuha ng maraming medalya ay ang Britain, France, Australia, Japan, Italy, Netherlands, Germany, at South Korea.

Kasama rin sa inaasahang may marami-raming medal haul ang Canada, Spain, Hungary, Brazil, Turkey, Ethiopia, Uzbekistan, Ukraine, Georgia, at Denmark.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble