HINDI nakikita ng Estados Unidos na isabay ng North Korea ang pagsasagawa ng nuclear test sa kanilang military exercises kasama ang South Korea.
Subalit nananatili pa rin silang nakaantabay at nakatutok sa Pyongyang lalo na’t hindi matantiya ang iniisip ni North Korean President Kim Jong-un.
Noong nakaraang taon ay nakailang beses din ang North Korea nagpalipad ng intercontinental ballistic missiles na idinisenyo na makarating sa Estados Unidos.
Samantala, ang huling missile firing ng North Korea ay noong March 12, 2023.