INIHAYAG ni US President Joe Biden na pabalik na sa Estados Unidos ang US Women’s Basketball Star na si Brittney Griner matapos itong ipalit sa isa pang Russian prisoner na arms dealer na si Victor Bout.
Ang American athlete na ikinulong sa remote Russian Penal Colony ay inaresto sa Moscow airport noong Pebrero at pinatawan ng 9 na taong pagkakakulong dahil sa nahulihan ito ng cannabis oil na nakalagay sa vape cartridges ng atleta.
Ayon sa Tweet ni Biden, ligtas at kasalukuyan nang nakasakay ng eroplano pauwi ng United States si Griner.
Kinumpirma ng Russian Foreign Ministry ang palitan ng dalawang prisoner na naganap sa Abu Dhabi airport.