US CDC, ibinaba na ang risk level para sa byahe patungong Pilipinas

US CDC, ibinaba na ang risk level para sa byahe patungong Pilipinas

IBINABA na ng US Centers for Disease Control and Prevention (CDC) ang risk level para sa byahe patungong Pilipinas.

Sinabi ni Department of Health (DOH) Undersecretary Maria Rosario Vergeire, dahilan ito sa patuloy na pagbuti ng sitwasyon ng bansa sa COVID-19.

“Sa ngayon kabilang na po ang Pilipinas sa 14 bansa na isinailalim ng US CDC sa Level 2 o COVID-19 moderate,” pahayag ni Vergeire.

Ang mga bansa na nasa ilalim ng Level 2 ay may rekord na 50 hanggang 99 na bagong kaso ng COVID-19 sa bawat 100,000 indibidwal sa loob ng 28 araw.

Nakarekord lamang ang bansa ng 2,500 kaso ng COVID-19 sa loob ng isang linggo mula Marso 24 hanggang Marso 30.

“Mabagal na po ang pagbaba dahil mas mababa na ang kaso sa ibang lugar sa ating bansa. Mas mababa na rin ang mga kaso sa ngayon na humigit kumulang sa 100 cases kung ikukumpara natin noong nag-uumpisa tayo nung December last year,” ani Vergeire.

Patuloy naman ang paalaala ng DOH lalo na sa mga hindi bakunado na  iwasang bumiyahe dahil mataas pa rin ang panganib nilang mahawaan ng COVID-19 sa kabila na bumababa na ang risk level sa pagbyahe ng bansa.

Follow SMNI News on Twitter